Sa Bawat Sulok ng Quiapo
Dito nagkukubli huwad na pangako
Sa bawat sulok sa simbahan ng Quiapo
Makikita iba't ibang klaseng tao
NatatagoĆ½ lihim sa bawat kanto
Igawi ang tingin sa may Avenida
Musmos na katawan ay nakabalandra
Sumasayaw sa loob ng bahay na pula
Panandaliang ligaya ang dulot nila
Mga manghuhula ay nakahilera
Nagbibigay bawat prediksyon nila
Hinggil sa trabaho, pag-ibig at pera
Mga tao'y nagtitiyagang pumila
Anting-anting, pampalaglag, at pamparegla
Ito'y makikita sa bawat bangketa
Nagkalat din mga aborsyonista
Animo'y walang alam, patay malisya
Ang lugar na ito'y sadyang marupok
Laman ng mga taong halang at hayok
Mapagbalatkayo din ang bawat sulok
Na nagkukubli sa anino at itim na usok
All Rights Reserved
Comments