ni: Brigido C. Batungbakal
Hindi na kaila sa mga taga-Tulikan ang pakikipagsintahan ni Derang sa inhinyerong namamahala sa binuksang lansangang nagmumula sa kabayanan, bumabagtas sa nayong ito at patungo sa kabundukan ng Sinukuan. Hindi nila dinaramdam ang gayon,sapagkat wika nila'y likas na yaon sa mga taong magkakatugon ang damdamin. Bagamat nagkagayon si Derang ay walang pinag-uukulan ng sali-salitaan kundi ang ama nitong si Mang Tiyago, mairog na pakikisama sa kanyang mga kanayon. Hindi nila sinisisi si Derang sapagkat naniniwala ang mga taga-Tulikan na sa puso ng dalaga ay hindi nagbuko ang damdaming nagnanasa ng karangalan. Ang tanging dinaramdam.nga lamang nila'y ang pagkawala ng dating mainam na ugali ng ama ni Derang, si Mang Tiyago.
Nagugunita pa ng taga-Tulikan ang Rosauro Santos. Isang trak ang unang na kinalululanan ng mga piko at pala. Ipinagtanong ng tsuper ng sasakyan ang bahay ng tininti sa nayon upang ihabilin dito ang mga kagamitan. Ang inhinyero ay kasunod na kinabukasan at bahay ng tininti nanuluyan. Hindi na nga naglaon at umalingasngas ang balitang nangingibig ang inhinyero sa anak ng tininti, kay Derang na lalabing-anim na taon lamang.
Ang pangalan ni Derang ay isang mabangong bulaklak sa kanyang kanayon, at ang kanyang buhay ay isang bukas na aklat sa Tulikan. Hindi mahihirapan ang sinumang may nasang makabatid sa uri ng kanyang kagandahan. Sapat na ang makinig sa mga sali-salitaan ng mga tagaroon na nauukol sa dalaga. Sa mga bibingkahan, sa bitawan ng mga manok at sa alın mang pagtitipon, kung ang nagiging paksa'y ang kariktan ng mga babae, sa hindi kinukusa'y nauuwi ang salitaan sa angking kagandahan ni Derang. Sila- sila'y nagtatalo, ngunit pawang humahanga sa kagandahan ng dalaga.
"Talagang wala nang pangalawa si Derang sa kagandahan dito sa atin, ang wika ng isang may hawak na manok at pinauusukan pa ng kanyang sigarilyo.
"Aba! E ano nga!... Huwag nang humara-hara ang mga tagabayan. Si Derang ay lalong maganda kung nasisikatan ng araw ang kanyang mayuming mukha. Talo pa ang saga sa kapulahan ng mga pisnging iyon na parang manggang hinog na may bahagyang bulo." Ang nagsalita ay tumigil na pinirot-pirot pa ang lambi ng kanyang manok na hawak.
"Talaga namang lahi ng Ka Tiyago ang magagandang mukha. Kung nagisnan ninyo ang nasirang ina ng Ka Tiyago ay kalingkingan lamang iyang si Derang," ang sambot ng isang matandang nagbabasa ng pahayagan. "Talagang mapalad din naman ang ating nayon. Noong kapanahunan ni Kapitang Tura, ang ina ng Ka Tiyago'y pinagdarayo ng mga anak ng kapitan sa iba't ibang bayan dito sa ating lalawigan. Ngunit dito rin sa atin nakatagpo ng kasukat na binata."
"Ngunit iba na ang lakad ng panahon ngayon, Ka Tonyo," ang tugon ng isang kararating lamang. "Noon po'y inuuri na ang mga mangingibig. Hindi katangian ang pagiging anak ng isang kapitan. Minamabuti pa noong kapanahunang iyon ang marunong humawak ng pamitik ng araro."
"Siya nga! ang pasang-ayong sagot ni Ka Tonyo. "Talagang ibang-iba na ang panahong ito. Noong panahon natin ay lumalapad ang talampakan mo sa kayayao't dito ay wala pa ring liwanag ang iyong pakay, lalo na sa isang katulad ni Derang. Alangan ang mahabang panahon ng paglilingkod. Magsisibak ng kahoy, iigib ng tubig, at maghahalili ng mga tahilan ng bahay. Mambabataris ka kung panahon ng gapasan. Ngunit ngayon, ang kailangan lamang ay... liksi ng kamay at dulas ng dila!"
Nagkatawanan ang mga kaumpok na binata sa narinig nila sa matandang Tonyo. Tila nasalang ng matanda ang "sakit" ng kabataan. Tba na nga naman ngayon- wala na a g ugaling namulatan sa matatanda.
"At kung magkakamali ka pang maupo sa tabi ng lakdawan, naririyan ang sarap ng ating salitaan. Kung hindi ka matapakan ng tinamaan ng grasya ay tatalisurin ka naman!" At tiniklop ang hawak na pahayagan. "Oo, Wala na rin ang pamimitagan sa natatanda. Kahit ka na kaharap ay iginigiit ang nakakabuwisit na paghahain ng pagsinta. Ang panahong ito ay hindi na nga katulad noong araw na kailangang mag-usap kayo sa tingin. Naku! Kaysarap lamang gunitain ang panahong iyon ng aming kabataan."
"Oo nga, Ka Tonyo," ang sabad naman ng isa sa mga nakikinig sa matanda. "Noon ay hindi maaari ang pasabay-sabay sa lansangan. Kailangang pumanhik at manaog oras. Ngunit ngayon, may ligaw-lansangan pa tayo. Talagang naiiba ang kaugalian ng tao sa pagtanda ng panahon."
"Iyan naman ay nasa babae rin. Bakit ba si Derang? Hayan, tingnan ninyo kung may nakasasabay sa kanya!" At napalingon ang marami sa dakong itinuro ng matanda na kinarorooonan ng dalaga.
Si Derang na itinuro ng matanda ay may Sunong na bilao na punong-puno ng mga pinamili sa bayan. Nakatapak at ang suot na sayang kremang mura na tinernuhan ng luntiang kimona ay bagay sa kanyang magandang balat. Nasa kanyang imbay ang indayog ng ating mga tulang kinatitikan ng lalong mayuming awit ng ating kaluluwa. Nang mapalapit si Derang ay biniro ni Mang Tonyo.
"Kami na po ang magdadala ng inyong sunong, Aling Kuwan."
"Naku! Ang Ka Tonyo naman... baka kung inaano ninyo ako: Marami pong Salamat! At inirapan ni Derang nang mairog ang mapagbirong matanda.
Nagkatawanan ang mga nagsisipagkahig. Talagang maganda si Derang. Ganyan ang sinasabi ng kanilang mga mata.
Walang batarisan sa Tulikan na masasabing masaya at matao kung wala roon si Derang.Ang kasayahan ng isang pabinyag ay nasa kanyang pagdalo o dili kaya'y kung siya ang maghahawak sa batang bibinyagan. Ang Tulikan ay kumare na ni Derang. Walang batang babae na hindi tumatawag sa kanya ng "ninang" o kaya'y "inang Derang." Ang lahat nang babaing may asawa ay tumatawag sa kanya ng kumare; at siya, si Derang ay dinadakila ng nayon.
Ito'y noong hindi pa binubuksan ang lansangang maglalagos sa nayong itong patungo sa kabundukan ng Sinukuan. Kay Derang ay hindi pa nabubuksan noon ang matinik na landas ng buhay. Nasa kanyang paningin pa ang magandang liwanag ng mga umaga at ang kaakit-akit na sinag ng makulimlim na takipsilim. Hindi pa malay manampaga sa kabuhayang tigmak sa pasakit ang batang damdamin ni Derang.
Ito'y noong hindi pa binubuksan ang lansangang maglalagos sa nayong itong patungo sa kabundukan ng Sinukuan. Kay Derang ay hindi pa nabubuksan noon ang matinik na landas ng buhay. Nasa kanyang paningin pa ang magandang liwanag ng mga umaga at ang kaakit-akit na sinag ng makulimlim na takipsilim. Hindi pa malay manampaga sa kabuhayang tigmak sa pasakit ang batang damdamin ni Derang.
Subalit nang hindi na kaila ang lahat ng mangyayari sa kanya ay unti-unting nagmaliw ang dating halina ni Derang sa nayon. Masalubong man sa mga paraan ay hindi man lamang siya batiin ng mga kaibigang dalaga. Para bagang mahahawa sila sa kasawian ni Derang kung ito'y kanilang batiin. At ang mga kumpare at kumare, kung bumabati man sa kanya, ay halatang-halata namang malamig ang kanilang damdamin, na tila baga isang kasalanan ang maging kabatian ni Derang.
Magmula nga nang mabuksan ang ipinagagawang lansangan patungo sa Sinukuan ay nagbago na ang pagtingin ng Tulikan kay Derang. Mula nang manuluyan si Inhinyero Santos sa tahanan ni tininti ay nabawasan nang nabawasan ang halaga ng pagkatao ni Derang sa kanyang tungkulin bilang anak ng tininti sa nayon. Talagang ganyan ang tao sa nayon-may sarili silang pamamaraan ng pagdakila. Hindi kawangis ng panahong nababago sa paghihip ng hangin at pagpatak ng ulan. Ang kanila ay isang pamamaraang katulad ng tubig sa bukal ng mga matang-tubig, na laging malinaw at malamig kahit na sa katag-arawan.
Nang unang kumalat ang balitang nangingibig ang inhinyero sa dalagang anak ng tininti ay walang tinugon ang mga taga-Tulikan kundi mga lihim na iling. Nagkaroon ng mga pasaring ang matatandang magsasaka na tumutudyo sa tininti kung nagkakasalubong sa mga paraan at tumana. Lalo na nang kanilang makita na kasama ng inhinyero si Derang, isang magda-dapithapon, na naglalakad sa lansangan. Parang tunog ng tambuling kumalat at gumising sa nayon ang balitang talagang nagkakabuti na ang inhinyero at si Derang.
Ang paningin ng Tulikan ay napako kay Derang. Kung nakikita nila ito ay parang nakikita nila ang inhinyero na nagpapagawa ng lansangan, naka-pulinas at suot ang sebastipol at pahiyaw-hiyaw sa mga manggagawa. At kung ang inhinyero ay nakikitang pauwi na sa tahanan ni Mang Tiyago, si Derang naman ang sumasagi sa kanilang alaala. Ang kagandahan nito'y kawangis ng isang buko ng bulaklak na ang halimuyak ay sumasalubong sa pagdating ng inhinyero at sa labry nakahiyas ang ngiting mayaman sa kaligayahan. Ano pa't si Derang ang larawang gumagalaw sa katauhan ng Inhinyero Santos.
Sa mga araruhan, ang kapalarang iyon ni Derang ang lagi nang nagiging paksa ng mga pag-uusap. Ang mga magsasaka, sa tuwing magkakasalubong, ay nangapapahinto sa lilim ng mga punongkahoy at iyan din ang ginagawang tulay ng kanilang batian. Sa pakikiraan sa harapan ng mga kubo y yaon ang ginagawang panghingi ng pahintulot, at daan din ng kanilang pasasalamat. Katulad ng minsang maraan si Candido sa harap ng kubo ni Tandang Tonyo.
Wala na po kayong kapit-kubo ngayon, ang bati ni Candido kay Mang Tonyo na nakatalungko sa lilim ng suha at nagsisibak ng kahoy.
"A! Talaga.. wala na ngang talaga! Hindi na raw magsasaka ang Ka Tiyago. Talagang iba na ang may magandang anak, ano Candido?" ang naisagot ng matanda, na inihinto ang pagsisibak ng kahoy at umupo sa karetang nasa tabi ng talaksan ng kahoy.
"Aba, opo, sino po ang magsasabing ang Ka Tiyago'y magkakamanugang ng isang inhinyero? Malayong mangyari kung hahakain lamang ng tao!"
"Talagang ganyan Ilamang ang buhay ng tao, bata ka! Maanong matuloy na nga ang hindi pagsasaka ni Tininti!" At ang "tininti" ay binigkas nang buong diin. "Kung hindi na siya magsasaka ay mawawalan na ako ng kabangay sa hanggahan ng aming mga bakod. Ikaw na ang gumawa niyan, sakaling humanap ng kasama ang ating tininti.
"Mahirap po ang makisama sa mga biglang-yaman." At dinuluhan pa ng isang impit na halakhak. "lingnan lang ninyo ngayon ang ugali ng ating tininti. Minsan ay nasalubong po ni Karyo ang tininti sa sapa, maanong nangiti man lamang ang unatin. Madaling magbago po ang tao!"
"Siya nga! Siya nga!" At tumango-tango si matandang Tonyo. "Kung gayo'y kumusta na lamang sa asawa ng inhinyero, hane?"
"Makararating po!" at nagkatawanan ang dalawang nagpapaalaman.
Lumala ang mga sali-salitang nauukol sa sinasabing kapalaran ni Derang. Hindi lamang ginawang tulay ng pagbabatian kundi kinaladkad na sa lansangan. Kung nakikita si Derang ay napapailing ang matatandang nagbabayo ng itso sa katikot, at may ibinubulong na kung ano sa katabi ng lagi nang nabubuntutan ng tawanan. Ang labi ng mga dalaga'y parang hinahatak sa paghaba na sinusundan ng pag-ismid sa dalagang kahapo'y mutya ng Tulikan. At kung ang tininti ang nakikitang may pasang araro, ang mga magsasaka ay nagkakatinginan nang lihim, na para bagang sinasabing "Diyan din pala ang lagpak ng iyong paa."
Ito'y lumala nang matapos na ang 8inagawang lansangang bumabagtas sa Tulikan at patungo sa kabundukan ng Sinukuan. Isang babae ang dumating sa nayon at ipinagtatanong ang inhinyero. sa tananan din ni lininting Tiyago umurong ang babaing iyon. Sariwa pa sa lahat ng mga taga-Tulikan ang pagkakadating ng babaing iyong humahanap sa inhinyero.
Si Karyo ang unang napagtanungan nito noong inaararo niya ang kanyang punlaan. Sa tapat ng punlaan ni Karyo huminto ang berlina at nanaog nga ang babaeng nagtatanong sa kinaroroonan ng inhinyero. Nang una'y di ibig ituro ni Karyo ang bahay ng tininti sa paniwalang may mangyayari, ngunit napilitan din siya sapagkat likas at katutubo: sa mga taong laki sa bukid ang kabutihang ugali. Inihimatong nga ni Karyo ang bahay ng tininti.
Hindi pa nakalalayo ang berlina sa punlaan ni Karyo'y sa-sisipot naman si Tandang Tonyo. Sakay siya ng kanyang kalakian. Huminto ang berlina sa tapat ni Tandang Tonyo. Dumungaw sa munting bintana ang babaeng nagtanong kay Karyo ng kinaroroonan ng inhinyero.
"Saan po ba rito ang bahay ng tininti?"
"Sino pong tininti?"
"Ang pinanunuluyan po ng inhinyerong nagpapagawa ng lansangang ito."
Si inhinyero bang..." At naputol ang sasabihin ng matanda. "Doon po kayo huminto sa tapat ng kakapalan ng mga punong kamatsiling iyon. May makikita kayong isang bahay na tabla at siim ang atip. Ipagtanong po ninyo sa dalaga doon ang bahay ni Aling Derang. Ituturo sa inyo ang inhinyero."
Nang umalis ang inhinyero'y hindi makatingin si Derang. Wala na ang inhinyero'y nasa silid pa siya at nang lumabas sa silid ay namumugto ang mata. Si Tininting Tiyago ay parang isinalab sa apoy nang kanyang marinig ang ganitong pamamaalam ng babae:
"Kayo na po ang bahalang magpapaumanhin sa mga kakulangang nagawa ng aking asawa."
Ang mga katagang ito'y narinig ng buong Tulikan na pawang sabik na sabik sa pagtulak ng inhinyero. Hindi nakakibo si Tininting Tiyago, at napayuko na lamang. Dito nagsimula ang pagkawala ng pagtingin ng Tulikan kay Derang.
Ang mga kumare ay para-parang nagsisisi kungbakit kay Derang panila napahawakan ang pinakamaganda sa kanilang mga anak. Kung maaari lamang magsaulian ng kandila ay ginawa na marahil. At pati na mga inaanak ni Derang ay nagsisipagtagpo sa hapilan, hangya, at tarundon kapag siya y nasasalubong sa landas. Nababatid niya ang dahilan nito: ang pagkakaroon ng malaking pagbabago nila na kasabay ng paggawa sa lansangang nagmumula sa kabayanan, bumabagtas sa Tulikan at patungo sa kabundukang Sinukuan. May kadakilaang nawala sa kanila nang mayari na ang lansangang iyong lumilipad ang alikabok kung tag-araw, at hindi katulad ng bukal ng mga matang-tubig na hindi nababago ang linaw kahit na humangin at pumatak pa ang ulan.
Copyright © 2020
All Rights Reserved
Comments