ni: Liwayway A. Arceo
Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, sa kanyang impit na paghikbi.
llang araw ko nang hindi nadadalaw ang aklatan: llang araw nang hindi nasasalamin ang isang larawang mahal sa akin: bilugang mukha, malapad na noo, hati-sa-kaliwang buhok, singkit na mga mata, hindi katangusang ilong, mga labing duyan ng isang ngiting puspos-kasiyahan... Sa kanya ang aking noo at mga mata. Ang aking hawas na mukha, ilong na kawangki ng isang loro at maninipis na labi, ay kay Ina.
Si Ina ay hindi palakibo: Siya ay babaing bilang at sukat ang pangungusap. Hindi niya ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung nagkakagayon ay maikli ang kanyang pananalita: Lumigpit ka! At kailangang di na niya ako makita. Kailangang di ko na masaksihan ang kislap ng poot sa kanyang mga mata. Kailangang di ko na makita ang panginginig ng kanyang mga daliri. Ito rin ang katumbas ng kanyang mariing huwag kung mayroon siyang ipinagbabawal.
Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw...
Minsan man ay hindi ko narinig na may pinagkagalitan sila ni Ama bagama't hindi ko mapaniwalaang may magkabiyak na pusong hindi nagkakahinampuhan. Marahil ay sapagkat kapwa sila may malawak na kaunawaan: ang pagbibigayan sa isa't isa ay hindi nalilimot kailan man.
Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulot ng isang amang nagsasalaysay ukol mga kapre at nuno at ukol sa magagandang ada at prinsesa: ng isang nagmamasid at nakangiting ina: ng isang pulutong ng nakikinig na magaganda at masayang bata.
Ngunit sa halip niyon ay minamalas ko si Ama sa kanyang pagsusulat: sa kanyang pagmamakinilya: sa kanyang pagbabasa. Minamasdan ko kung paano niya pinapangunot ang kanyang noo: kung paano niya ibinubuga ang asong nagbubuhat sa kanyang tabako: kung paano niya ipipikit ang kanyang mga mata: kung paano siya magpapatuloy sa pagsulat.
Si Ina ay isang magandang tanawin kung nanunulsi ng mga punit na damit; kung nag-aayos ng mga uhales at nagkakabit ng mga butones sa mga damit ni Ama. Sa kanyang pagbuburda ng aking mga kamison at panyolito-sa galaw ng kanyang mga daliri-ay natutunghan ko ang isang kapana- panabik na kuwento ngunit ang pananabik na ito'y napapawi.
Kabagot-bagot ang aking pag-iisa at ako ay naghahanap ng kasama sa bahay: isang batang marahil ay nasa kanyang kasinungalingang-gulang o isang sanggol na kalugod- lugod, na may ngiti ng kawalang-malay, mabango ang hininga, may maliliit na paa at labing walang bahid-kasalanan at kasiya-siyang hagkan o isang kapatid na kahulihan ng gulang, isang maaaring maging katapatan.
Sakali mang hindi nagkakagalit sina Ina at Ama o kung nagkagalit man ay sadyang hindi ipinamamalay sa akin, ay hinahanap ko rin ang magiliw na palitan ng mga titig, ng mga ngiti, ng mga biruan.
Sapat na ang isang tuyot na "aalis na ako" sa pagpapaalam ni Ama. Sapat na ang "naningil na ang maniningil sa ilaw o telepono" upang sakupin ang panahong itatagal ng isang hapunan. Sapat na ang panakaw na sulyap ni Ama upang ipadamang may narinig siya.
Mabibilang sa mga daliri ng aking dalawang kamay kung makailan kaming nagpasyal; si Ama, si Ina, at ako. Malimit na ako ang kasama ni Ina; hindi ko na nakitang sinarili nila ang pag-aaliw.
Inuumaga man si Ama sa pag-uwi. Kung milnsan ay hindi ko kinapapansinan kakaibang kilos si Ina. Nahihiga rin sIyd pagadung ng nmga sandali ng pamamahinga at kung nakatulog siya o hindi ay hindi ko matiyak.
Marahil ay ito ang tunay na madarama ng kataling-puso ng isang taong inaangkin ng madla....
llang taon na ngayon ang nakaraan nang minsang may ibinalik na maliit na aklat ang aming tagapaglaba: yaon daw ay ndkuna niya sa Isang lukbutan ng amerikana ni Ama. Ibinigay ko yaon kay Ina: yaon daw ay talaarawan ni Ama.
Kinabukasan ay may bakas ng luha ang mga mata ni Ina. Kapansin-pansin ang lalo niyang hindi pagkibo buhat noon. Lalo siyang naging malungkot sa aking paningin.
Ano ang nasa isang talaarawan?
Lasing na lasing si Ama. Karaniwan nang umuwing lasing si Ama, ngunit kakaiba ang kalasingan niya ngayong gabi. Hinilamusan siya ni Ina ng malahiningang tsaa, ngunit wala itong naibigay na ginhawa.
Hindi rin kumikibo si Ina. Nasa mga mata niya ang hindi maipahayag na pagtutol. Sapagkat may isusulat ako... sapagkat ikamamatay ko ang pighating ito... sapagkat...sapagkat... sapagkat.
ldinaraing ngayon ni Ama ang kanyang dibdib at ulo: hindi raw siya makahingang mabuti.
"Marahil ay may sipon ka," ani Ina. "Sinisinat ka nga."
Isang panyolitong basa ng malamig na tubig ang itinali ko sa ulo ni Ama. Wala siyang tutol sa aking ginagawa: sinusundan niya ng tingin ang bawat kilos ko.
Ang kanyang mga bisig, buhat sa siko hanggang mga palad at ang kanyang binti, buhat sa tuhod hanggang sa mga talampakan, ay makailan kong binusan ng tubig na mainit na inaakala kong matatagalan niya-tubig na pinaglagaan ng mga dahong alagaw. Kinulob ko siya ng makapal na kumot nang inumin niya ang ibinigay kong mainit na tubig na pinigaan ng kalamansi.
Nakangiti si Ama: "Manggagamot pala ang aking dalaga!" Sinuklian ko ng isang mahinang halakhak ang ngiti niyang yaon: hindi ako dating binibiro ni Ama.
Sana'y ako si Ina sa mga sandaling yaon: sana'y lalo kong ituturing na mahalaga ang nadarama kong kasiyahan...
Nabigo ako sa aking pag-asa: nakaratay nang may ilang araw si Ama. Halos hindi siya hiniwalayan ni Ina: sa ilalim ng kanyang mga mata ay mababakas na naman ang maitim na guhit.
Anang manggagamot ay gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya. Ngunit ayaw niyang ipagtapat sa akin ang karamdaman ni Ama.
Ipinapaayos ngayon ni Ama ang kanvang hapag. Nilinis ko ang kanyang makinilya. Idinikit ko ang kagugupit na kuwentong kalalathala pa lamang. Pinagsama-sama ko ang mga papel sa kanyang mga kahon.
Ang pang-ilalim na kahon sa dakong kaliwa ng kanyang hapag ay nagbigay sa akin ng hindi gaanong pagtataka: may isang kahitang pelus na rosas at isang salansan ng mga linam. Malilit at mga bilugang letra sa bughaw na tinta sa pangalan ni Ama sa kanyang tanggapan ang nasa mga sobre.
Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi yaong hawas na mukha, may ilong na kuwangki ng isang loro, may maninipis na labi. Sa likod niyon ay nasusulat sa maliliit at bilugang mga letra sa bughaw na tinta: Sapagkat ako'y hindi nakalimot. ang larawan ay walang lagda ngunit nadama ko ang biglang pagkapoot sa kanya at sa mga sandaling yaon ay natutuhan ko ang maghinanakit kay Ama.
Bakit sa panahong ito lamang tayo pinaglapit ng pangyayari? Higit marahil ang aking katiwasayan kung hindi ka dumating sa aking buhay, bagama t hindi ko rin marahil matitiis na hindi maipagpalit ang aking kasiyahan sa isang pusong nagmamahal. Totoong ang kalagayan ng tao sa buhay ang malimit maging sagwil sa kanyang kaligayahan...
Naiwan na natin ang gulang ng kapusukan; hindi na tayo maaaring dayain ng ating nadarama. Ngunit nakapagitan sa atin ngayon ang isang malawak na katotohanang pumipigil sa kaligayahan: ang hindi natin maisakatuparan ay buhayin na lamang natin sa alaala. Panatilihin na lamang natin sa diwa ang katamisan ng isang pangarap; sana'y huwag tayong magising sa katotohanan.
Nakita ko siya kagabi sa panaginip; sinusumbatan niya ako. Ngunit hindi ko balak ang magwasak ng isang tahanan. Hindi ko maatim na magnakaw ng kanyang kaligayahan; hindi ko mapabayaang lumuha siya dahil sa akin. Ang sinumang bahagi ng iyong buhay ay mahal sa akin: ang mahal sa akin ay hindi ko maaaring paluhain...
Ang pag-ibig na ito y isang dulang ako ang gumanap ng pangunahing tauhan; sapagkat ako ang nagsimula ay ako ang magbibigay-wakas. Ipalagay mo nang isang nasimulang tugtuging nararapat tapusin. Gawin mo akong isang pangarap na naglalaho pagkagising. Tulungan mo akong pumawi sa kalungkutang itong halos ay pumatay sa akin....
Ngunit, bakit napakahirap lumimot?
Nadama ko ang kamay ni Ina sa aking kanang balikat: noon ko lamang namalayan na may pumasok sa aklatan. Nakita niya ang larawang nasa kahitang pelus na rosas. Natunghayan niya ang mga liham na nagkalat sa hapag ni Ama.
Si Ina ay dumating at lumisang walang binitawang kataga. Ngunit nasa kanyang palad ang aking balikat na nadarama ko pa ang salat ng kanyang daliri; ang init ng mga ito, ang bigat ng kanilang pagkakadantay...
Ang katahimikang namagitan sa amin ni Ina ay hindi pa napapawi. Iniwasan ko na ngayon ang pagsasalubong ng aming mga titig; hindi ko matagalan ang kalungkutang nababasa ko sa mga paninging yaon.
Hiningi ni Ama ang kanyang panulat at aklat-talaan. Ngunit nang mapaniwala ko Siyang masama sa kanya ang bumangon ay kanyang sinabi: "Ngayon ay ang aking anak ang susulat nang ukol sa akin..." At aniya'y isang dalubhasang kamay ang uukit niyon sa itim na marmol. Ngunit hindi ko marinig sa tinig ang pagtutol na halos ay pumugto sa aking hininga.
"Nasa kalamigan ng lupa ang kaluwalhatian ko!"
Kailan man ay hindi ko aangkining likha ng aking mga daliri ang ilang salitang ito.
Huwag kang palinlang sa simbuyo ng iyong kalooban; ang unang tibok ng puso ay hindi sa tuwina... Halos kasinggulang mo ako nang pagtalin ang mga puso namin ng iyong ina.. Mura pang lubha ang labing walong taon...Huwag ikaw ang magbigay sa iyong sarili ng mga kalungkutang magpapahirap sa iyo habang buhay...
Muli kong tibay ng buhol na nag-uugnay ng nadama ang damdamin ni Ama sa akin.
Kinatatakutan ko na ang malimit na pagkawala ng diwa ni Ama.
Si Ina ay patuloy sa kanyang hindi pagkibo sa akin: patuloy sa kanyang hindi pag-idlip: patuloy sa kanyang pagluha kung walang maaaring makakita sa kanya.
Ang kaliwang kamay ni Ina ay idinantay sa noo ni Ama at ang pagtatanan ng isang nais tumakas na damdamin sa kanyang dibdib ay tinimpi ng pagdadaop ng kanyang ngipin sa labi.
Naupo siya sa gilid ng higaan ni Ama at ang kaliwang kamay nito ay ikinulong niya sa kanyang mga palad. Magaling na ako mahal, mahal ko.. magaling na ako... tayo'y maaaring tumungo... ang moog na itong kinabibilangguan koy aking wawasakin... sa anumang paraan...
Ang malabubog na luha na bumabakod sa mga paningin ni Ina ay nabasag at ilang butil niyon ang pumatak sa bisig ni Ama. Mabibigat na talukap ang pinilit na iminulat ni Ama at gumuhit sa nanunuyo niyang labi ang isang ngiting punong-puno ng pag-asa.
Muling nalapat ang mga durungawang yaon ng isang kaluluwa at hindi niya namasid ang mga matang binabalungan ng luha; ang mga salamin ng pagdaramdam na hindi mabigkas.
Nasa mga palad pa rin ni Ina ang kaliwang kamay ni Ama. Sabihin mo, mahal ko, na maaangkin ko na ang kaligayahan ko.
Kinagat ni Ina nang mariin ang kanyang labi at nang siya'y mangusap ay hindi ko narinig kay Ina ang tinig na yaon. Maangkin mo na, mahal ko!
Ang init ng mga labi ni Ina ang kasabay ng kapayapaang nanahanan sa mga labi ni Ama at nasa mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa isang buhay ay wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon: natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa.
Copyright © 2020
All Rights Reserved
Comments