ni: Manuel L. Quezon
Hindi maikakaila na ang Pilipinas ay nagkaroon ng malaking pagkakasulong maging sa mga suliranin pamayanan at maging sa suliranin ng pamumuhay sa loob ngbhuling tatlumpung taon. Sa pamamayan at pamamahala ay nakaabot tayo hanggangbsa tugatog nitong ating kalagayan— na halos taglay natin ang buong mga karapatan ng isang pamahalaang makasarili at sa ganito'y matitiyak na tuloy ang pagdating ng ganap na kasarinlan. Sa pangalakalan ng Estados Unidos, ang ating mga kalakal na panlabas at panloob ay nag-iibayo ang kalakhan—sa isang gabi, ang kayamanang bansa natin ay umunlad nang di-gaano lamang. Nakagawa tayo ng malaking pagkaunlad sa kalinisan, sa pagtuturo, at sa pagbubukas ng mga lansangan at lahat ng uri ng pahatiran at gumagamit na tayo ng mga pamamaraan at kasangkapang makabago sa pamumuhay. Ngunit ang karamihan sa nagtatamasa sa mga kaunlarang ito ay ang mga mayayaman o mga nakaririwasa lamang.
Ang mayayaman ay maaaring mabuhay sa gitna ng mga karangyaan. Ang ilan mga anak nila ay lumalaki sa layaw at kasaganaan, at ang kanilang pag-iisip ay nahuhubog mga ugaling walang minamahalaga kundi ang mga bagay na panlipunan, mga kasanayan, mga libangan, at iba pang mga mararangyang hilig ng katawan, anupa't nangahihirati sa kasanayan isang kabuhayang walang halaga, di-maibigan sa paggawa, at salat sa mga damdaming makatao. Ang mga nakaririwasa, na siyang panggitnang uring di-mayaman at di-mahirap, ay nagkaroon naman ngayon ng lagay ng pamumuhay na makapupong mataas kaysa noong panahon ng Espanyol. Ang mga anyayang pangangailangan ng kasalukuyang kabihasnan ay naabot na ng kanilang kaya at napagtatamasahan. Ang mga anak nilang lalaki't babae ay napakain ng mabuti, napararamitan-ng magara, napag-aaral ng magaling— laksa-laksa ang nagsisipag-aral sa lalong mataas na karunungan.
Nakalulungkot na sabihin, ngunit siyang katotohanan, na ang ganyang mga ginhawa ay walang-wala sa ating bayang manggagawa. Maging ang mga lalaki't babaeng ngayo'y nagsisigawa sa lupa, maging ang nagsisipasok sa mga pagawaan ay bahagya ng may ikinahihigit na kagaanan ng buhay sa kabuhayan na ng mga manggagawa noong panahon ng Espanyol. Tunay nga na ang mga pasahod o upahan ngayon ay lumaki kaysa sa mga bayaran noong tayo y nasa ilalim pa ng kapangyarihan ng Espanya, at ang kasahuran dito ngayo'y mataas kaysa umiiral sa alin mang bayan dito sa kasilangan, matangi sa Hapon. Datapwat dapat naman nating alalahaning sa isang salapi noong panahon ng Espanya ay maraming bagay o pangangailangang nabibili kaysa isang salapi ngayon at saka, sa pagsasamahan ng nagpapagawa at manggagawa nang mga panahong yaon, ang may isang uri ng pagpapalagayang makapupong mahal sa ganang isang kawani kaysa halaga ng salapi.
Noon, ang mga nagpapagawa at mga manggagawa ay nagkakalapitan na anupa't nagpapalagayan silang parang tunay na magmamagulang o magkakamag-anak, kaya nabibigkis ng buklod ng pamamahalang makapupong matibay kaysa tali ng salapi. Ngayon ang mga pagsasamahan nila'y tunay na sa mag-iibang tao, na walang kaanu- anumang buklod ng pagmamalasakit, gaya na rin ng pangyayari ng mga ibang lupaing ang pinaghaharian ng malalaking industriya. Ang ating mga ninuno naman, dala ng kanilang malaking kamangmangan, ay tikis na mga nasisiyahan sa mahirap nilang pamumuhay, paano'y may paninivwala silang ang gayong mga paghihirap ay bagay na di maiiwasan sa ibabaw ng lupa pagkat siyang tadhana ng Maykapal, na kailangang tiisin ng sinumang ibig magtamo ng gantimpala ng kalangitan.
Ngayon, ang manggagawang Pilipino, pagkahangal-hangal man, ay ayaw nang maniwalang kalooban ng Maykapal ang pangyayaring ilan sa kanyang mga nilikha'y mahusay sa kasaganaan at karangyaan, samantalang ang iba'y nabubuhay naman sa mga pagtitiis at karalitaan. Ang mga manggagawang Pilipino ngayo'y may paniniwalang siya'y minamahal din ng Ama ng sangkataunan katulad ng alin pa mang tao na Kanyang nilikha, at sa ganito'y hindi inawa ang daigaig upang pakinabangan lamang ng ilan, hindi upang magkaroon ng kabuhayang magpapaligaya sa lahat.
Ang pagpapaunlad ng bansa sa katarungang panlipunan ay tiyakang ipinag-utos ng Saligang-Batas natin. Ang ating palatuntunan, siyang palatuntunang tinanggap at pinanghawakan ng bayan sa pagkanalal sa inyo at sa akin man, ay nag-aatang sa atin ng mabigat na tungkuling lumikha at makapagpairal ng mga manggagawa. Dapat tayong magsikap, na sa alin mang batas na ating lalagaa ay nuwag magkaroon ng ano mano uri ng pagtutulot na ang mga magpapagawa ay, makapagsamantala sa kanilans mga manggagawa, at huwag payagan ang anomang palakad o pamamaraang sukat makabigo sa mga matuwid na layon ng katarungan. Sa pagpapatatag ng kapalaran ng bagong bansa nating ito ay dapat tayong manghawak na di-gaano sa landas ng batas, na gaya sa katibayan ng pagtatapat ng mamamayan sa kanyang pamahalaang ito na itinatag at pinairal nang dahil lamang sa adhikaing sila y para-parang matangkilik, at. sa kanilang ikalalaya at ikaliligaya.
Maging ang Kagawaran ng Katarungan at maging ang Kawanihan ng Paggawa ay kapwa nalalaang tumulong sa inyo sa paghahanda ng mga panukalang batas at kapasiyahang sukat makita sa mga batas na kasalukuyang umiiral, at nang sa ganito'y maisasaayos at malunasan ang mga katiwalian at kaapihang nananaig pa sa bayan, at upang matupad din naming mahusay ang mga simulain ukol sa suliraning ito'y itinatadhana ng ating Saligang-Batas at gayon din ang mga pangako nating nasasaad sa ating palatuntunang pamahalaan.
Copyright © 2021
All Rights Reserved
Comments