Nuestro Nazareno: Ang Traslacion - Salvasyon

ni Michael Thomas Nelmida






Kami po’y nagdadasal
Nuestro Padreng mahal
Kaluluwa’y naming iligtas

Kayo na po ba ang sugo?

Ang pinadala ng Tagapagligtas?
Ito na po ba ang oras?

Andas. Andas.  Andas

Papunas

Ang tuwalyang puti
- iwinawagayway
Pamunas

Sa itim kong kulay
Pagkatapos ng ikatlong araw ako’y nabuhay !

Bago dumating si Hudas

Hatakin ang lubid
Huwag hayaang mabulid
Higpitan lang ang iyong kapit
Kagaya ng pagsambang walang hanggang dalit
Mga dasal at hiling na may kapalit
Ibinulong lahat ang hinanakit sa kahoy na may barnis


Hindi ba kayo nahihirapan?
Pasan pasan ko’y krus tungo sa tuwid na landas

Sinusubukang abutin
Parang tala sa gabing madilim
Dumating man ang takipsilim
Makita lang ang lihim

Mga mata mong maunawain
Puso mong mahabagin
Magmilagro ka na sa amin.
Kahit itim ang iyong kutis
Pagpunas sa iyong balat ay walang kasing tamis
Hindi maitatangis
Maswerte kung maiituring
Makalapit sa iyo aming hiling

Kaligtasan aming hangad
Patawad sa lahat ng aming kasalanang walang katapusan
Kami ngayo’y nagsisi
Sa aming mga sala
Kapara nang sauna              

Walang hanggang banal na papering pangarap
Makaapak sa paraisong walang hirap

Ito ang aming samu’t saring dalangin
Nawa’y inyong dinggin!
Kaluluwa’y tubusin
Utos niyo’y susundin

Traslacion, Traslacion, Traslacion  – isang salvasyon!

***Ang Tulang ito ay nagkamit ng Ikalawang Gantimpala sa Pagsulat ng Tula : Unang Gawada Pilantik may temang “ pangarap” sa Pamantasang Normal ng Filipinas 


Copyright © 2017
All Rights Reserved


Comments

Popular Posts

Disclaimer

The information contained in this website is for general information purposes only. The information is provided by “Poetika at Literatura” and while we endeavour to keep the information up to date and correct, we make no representations or warranties of any kind, express or implied, about the completeness, accuracy, reliability, suitability or availability with respect to the website or the information, products, services, or related graphics contained on the website for any purpose. Any reliance you place on such information is therefore strictly at your own risk.

In no event will we be liable for any loss or damage including without limitation, indirect or consequential loss or damage, or any loss or damage whatsoever arising from loss of data or profits arising out of, or in connection with, the use of this website.

Through this website you are able to link to other websites which are not under the control of “Poetika at Literatura”. We have no control over the nature, content and availability of those sites. The inclusion of any links does not necessarily imply a recommendation or endorse the views expressed within them.

Every effort is made to keep the website up and running smoothly. However, “Poetika at Literatura” takes no responsibility for, and will not be liable for, the website being temporarily unavailable due to technical issues beyond our control.


J.M. Benavidez Estoque "Poetika at Literatura"
All Rights Reserved
Copyright © 2009 - 2021