Aking Ulap
ni : R. Alejandro
![]() |
"Ang Kiukok"by Mauro “Malang” Santos |
Sa lundo ng iyong dibdib na busilak,
May buhay ang aking nalantang bulaklak,
Kung nagduruyan ka sa rupok ng langit,
Kalaro ng aking mga panaginip,
Ang lupang tuntunga’y di na naiisip,
Nalilipat ako, oh Ulap kong giliw,
Ibig kong mahagkan ang mga bituin;
Ang lihim ng araw at buwang maningning,
Ibig ko rin sanang malama’t malining.
Copyright © 2020
All Rights Reserved
Comments