Inang Wika

ni: Amado V. Hernandez

"Inang Bayan" painting by Rafael Buluran

 Ako’y ikakasal..
ang aming tahana’y
masayang katulad ng parol kong pisata, magara’t makulay;
kangina pa’y walang patlang ang tugtugan,
agos ang regalo’t buhos ang inuman;
ang aking magiging kabiyak ng buhay
isang kanluraning mutyang paraluman:
marilag, marangya, balitang mayaman,
sadyang pulot-gata sa bibig ng isang mundong kaibigan.

Sa tanging sasakyan
nang kami’y lumulan,
may natanaw ako sa tapat ng bahay
na isang matandang babaing luhaan;
subali’t sa gitna ng kaligayahan,
sa harap ng aking gintong kapalaran,
siya ay hindi ko binati man lamang
at hindi ko siya pinansin ma lamang,
tuloy-tuloy kami sa nagagayakang simbahan sa bayan.

Kapwa maligayang nagsiluhod kapwa
sa paa ng altar, sa pilak at gintong masamyong dambana:
pagkasaya-saya’t ang mga kampana
ay nagtitimpalak sa pagbabalita
ng aming kasalang lubhang maharlika:
datapwa,
ang larawang buhay ng kaawa-awa
--ang matandang yaon-wari’y nakalimbag sa mata ko’t diwa;
at ang tumutulong luha ng kandila
tila ang kanya ring masaklap na luha;
gayon man, sa piling ng kahanga-hanga
at sakdal ng gandang kaisang-puso ko’y niwalang-bahala
ang pagkabalisa, at ang aking budhi’y dagling pinayapa.

Natapos ang kasal…
maligayang bati, birrong maaanghang
at saboy ng bigas ang tinanggap namin pagbaba sa altar;
nang mga sandaling pasakay na kami sa aming sasakyna
at may alingasngas akong napakinggan…
at aking natanaw;
yaon ding matanda ang ligid ng taong hindi magkamayaw;
ako’y itinulak ng hiwagang lakas na di mapigilan
at siya’y patakbong aking nilapitan;
nang kandungin ko na sa aking kandungan,
sa mata’y napahid ang lahat ng luha, dusa’y kalungkutan,
masuyong nangiti’t maamong tinuran:

“Bunso ko, paalam,
ako ang ina mong sawing kapalaran…”
at ang kulampalad ay napalungayngay
at nang aking hagkan
ay wala nang buhay.
sa nanginginig kong bisig din namatay!
Siya’y niyakap ko nang napakatagal:
Inang! Inang! Inang!

Ayaw nang balikan
Ng tibok ang pusong sa hirap nawindang,
kahit dinilig ko ng saganang luha ang kawawang bangkay.

Noon ko natantong ang ina kong mahal,
ang Inang Wika kong sa aki’y nagbigay
ng lahat kong munig, pangarap at dangal,
subalit tinikis sa gitnan ng aking ginhawa’t tagumpay
at mandi’y pulubing lumaboy sa labis na karalitaan,
namatay sa kanyang dalamhating taglay
nang ako’y sa ibang mapalad magmahal,
nang ako’y… tuluyang pakasal
sa Wikang Dayuhan!


Copyright © 2020
All Rights Reserved

Comments

Popular Posts

Disclaimer

The information contained in this website is for general information purposes only. The information is provided by “Poetika at Literatura” and while we endeavour to keep the information up to date and correct, we make no representations or warranties of any kind, express or implied, about the completeness, accuracy, reliability, suitability or availability with respect to the website or the information, products, services, or related graphics contained on the website for any purpose. Any reliance you place on such information is therefore strictly at your own risk.

In no event will we be liable for any loss or damage including without limitation, indirect or consequential loss or damage, or any loss or damage whatsoever arising from loss of data or profits arising out of, or in connection with, the use of this website.

Through this website you are able to link to other websites which are not under the control of “Poetika at Literatura”. We have no control over the nature, content and availability of those sites. The inclusion of any links does not necessarily imply a recommendation or endorse the views expressed within them.

Every effort is made to keep the website up and running smoothly. However, “Poetika at Literatura” takes no responsibility for, and will not be liable for, the website being temporarily unavailable due to technical issues beyond our control.


J.M. Benavidez Estoque "Poetika at Literatura"
All Rights Reserved
Copyright © 2009 - 2021