Isang Punongkahoy

ni: Jose Corazon de Jesus

 Wilfredo Calderon – Sa Ilalim ng Puno – IWS Philippines Learning
"Sa Ilalim ng Puno" by Wilfredo Calderon


Kung tatanawin mo sa malayong pook,
Ako’y tila isang nakadipang krus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
 
Organong sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sairling buhay;
Magdamag na tanod sa aking libingan.

Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo’t magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
Asa mo ri’y agos ng luhang nunukal;
At saka ang buwang tila nagdarasal,
Ako’y binabati ng ngiting malamlam!

Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
Nagpapahiwatig sa akig ng taghoy;
Ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon,
Batis sa paa ko’y may luha nang daloy.

Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,
Natuyo, namatay, sa sariling aliw,
Naging krus ako ng pagsuyong laing,
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

Wala na, ang gabi ay lambong sa luksa
Panakip sa aking namumutlang mukha!
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon ni tao’y hindi na matuwa!

At iyong isipin nang nagdaan garaw,
Isang kahoy akong malago’t malabay,
Ngayon ang sanga ko’y krus sa libingan,
Dahon ko’y ginawang korona sa hukay.


Copyright © 2020

All Rights Reserved

Comments

Popular Posts

Disclaimer

The information contained in this website is for general information purposes only. The information is provided by “Poetika at Literatura” and while we endeavour to keep the information up to date and correct, we make no representations or warranties of any kind, express or implied, about the completeness, accuracy, reliability, suitability or availability with respect to the website or the information, products, services, or related graphics contained on the website for any purpose. Any reliance you place on such information is therefore strictly at your own risk.

In no event will we be liable for any loss or damage including without limitation, indirect or consequential loss or damage, or any loss or damage whatsoever arising from loss of data or profits arising out of, or in connection with, the use of this website.

Through this website you are able to link to other websites which are not under the control of “Poetika at Literatura”. We have no control over the nature, content and availability of those sites. The inclusion of any links does not necessarily imply a recommendation or endorse the views expressed within them.

Every effort is made to keep the website up and running smoothly. However, “Poetika at Literatura” takes no responsibility for, and will not be liable for, the website being temporarily unavailable due to technical issues beyond our control.


J.M. Benavidez Estoque "Poetika at Literatura"
All Rights Reserved
Copyright © 2009 - 2021