Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra


ni : Lualhati Bautista

khalil.slim] on Twitter: "[ t r o u b l e d . m i n d ] 16in x ...

("Hindi ko lang po mapigil ang aking sarili," ang laging nasasambit ng pangunahing tauhang si Julian, Alamin kung saan siya nadala ng pahayag na ito.)

Siya, si Julian Candelabra, ay anak ng isang mag-asawang bagamat mahirap, kung ipagsabi nga ng tatay niya, ay nabubuhay nang "marangal." Gano'n man ay maagang natuklasan ni Julian na mahirap mabuhay nang marangal kung gutom ka, o, sa kaso niya bilang isang bata, kung marami kangkailangan na hindi mo mabili. Lalo na kung mapera ang kalaro mong si Bong at pinakikitaan ka ng cash ng ina nitong si Aling Sandra.

Totoo, di-hamak na mas mabuti na si Aling Sandra kung ihahambing sa iba pa nilang kapitbahay. No'ng mga panahong 'yon na kokonti pa lang ang may TV, ni hindi siya puwedeng sumilip-silip sa bintana ng iba para manood ng Popeye, paniguradong magsasara ng bintana ang iba! Pero pinatutuloy siya ni Aling Sandra, pinauupo sa tabi ni Bong, at pinapayagang manood hanggang sa takdang oras na magpatay na ito ng TV.

Kung sabagay, katwiran siguro ni Aling Sandra, nauutusan naman siya nito. Pero makatarungan si Aling Sandra kahit sa pag-uutos. Kadalasang binibigyan siya nito ng pabuyang singko o diyes sa bawat malit na bagay na ipagawa sa kanya.

"Julian, samahan mong bumili sa botika si Bong," sasabihin sa kanya ni Aling Sandra, at sa harap niya'y magbubukas ito ng kahon ng platera at huhugot ng pera sa pitaka. Sa harap niya, walang pangiming ililitaw ni Aling Sandra ang mga sasampuin nitot de beinte. "Aba, sisenta pa pala ang pera ko rito! O, ito nang sampu ang dalhin n'yo, Julian. Ikaw ang maghawak, ha? Baka maiwala ni Bong." 

Siguro, dahil kaibigan siya ni Bong kaya magiliw sa kanya Si Aling Sandra. Tingin niya, gusto ni Aling Sandra, basta hindi pinapatulan si Bong. At pag may lakad si Aling Sandra, iiwan nito sa bahay si Bong basta kasama siya. Dalawang taon lang ang tanda niya kay Bong, pero itinuturing na siya ni Aling Sandra bilang isang mapagkakatiwalaang tagapag-alaga.

Naiiwan siyang mag-isa ni Aling Sandra sa sala nito. At ando'n lang bukas, ang platerang pinaglalagyan nito ng pitaka. Siguro'y may kausap sa labas si Aling Sandra at nasa kasilyas sandali si Bong, at nag-iisa siya sa salas malapit sa bukas na platerangkinalalagyan ng pitaka ni Aling Sandra. Sa paulit-ulit na pagkakataong nangyari iyon, natantiya niya na may sapat na panahon para makasalisi siya sa platera at makapangupit sa pitaka ni Aling Sandra.

Gustong-gusto niyang makabili ng mga sisiw. Gustong-gusto niyang mag-alaga ng mga sisiw hanggang sa maging manok. Tamang-tama, manok na ang mga sisiw niya bago magbertdey ang tatay niya. May maihahanda na ang tatay niya. At matutuwa na ang tatay niya sa kanya maski pa'no. Napakahalaga sa kanya na matuwa sa kanya ang tatay niya maski pa'no.

Ang problema, walang-wala siya. Walang-wala Siya samantalang and'on lang, kadalasang hindi kuwentado, ang pera ni Aling Sandra.

Hindi lang nila alam kung pa'no nililindol ang dibdib ni Julian nang gawin 'yon. Hindi lang nila alam kung ga'no kadesperado ang pagtawag niya sa Diyos. Pero may ugaling magbingi-bingihan ang Diyos kung minsan. Saktong ibinabalik niya sa lugar ang pitaka ni Aling Sandra nang bigla itong pumasok. Nabakas sa mukha nito ang pagkagulat, na may halong pagkagalit.

"Julian, ano'ng ginagawa mo?"

Wala siyang maisagot. Namutla lang siya.

Nanlata lang. Hindi nakakibo kahit nang kapkapan siya ni Aling Sandra at makuha ang sasampuin sa bulsa niya.

Gulping walang humpay ang inabot ni Julian sa tatay niya nang magsumbong si Aling Sandra; walang nagawa maski ang nanay niya kundi magtitilit mag-iiyak. May latay siya hanggang mukha, napaihi sa sakit, hindi makabangon sa hirap. Akala talaga niya papatayin na siya ng tatay niya. At sa musmos na isip niya, natanim ang matinding hinanakit na hindi na inunawa man lang ng tatay niya ang dahilan para niya ito magawa.

"Gustong-gusto ko lang pong makabili ng sisiw! Tatay, natukso lang po ako! Hindi ko lang po napigilan ang sarili ko!"

Hindi na nakapasok pa si Julian sa bahay ni Aling Sandra-o sa bahay ng kahit sino pa man-mula noon. Matagal bago nakalimutan ng mga tao ang nangyari. Ang totoo, paulit-ulit nilang pinag-usapan ang tungkol do'n, kasama ng ilingan, ng mga salitanng tulad ng, "kung anak ko 'yan, hindi lang ganyan ang aabutin niya sa kin" at "naku, h'wag mong pabayaang magsasama diyan ang anak mo, mare! Baka pati anak mo matuto!

Isa ma'y walang nakaisip na baka napapahiya rin siya.

Matagal-tagal ding pinangilagan ng mga tao si Julian. Hindi nila alam, kung nangilag din si Julian sa kanila natatakot silang mawalan sila, natatakot din si Julian. Dahil alam ni Julian na may tatak na siya, masama ang tingin sa kanya ng tao, at pag may nangyaring aberya diyan ay wala nang pagbibintangan kundi siya.

llang taon na ang nakararaan, takot pa rin si Julian na magpapasok sa bahay ng may bahay. Disisiyete na't lahat si Julian ay nasa kanya pa rin ang pilat ng malubhang pangyayaring 'yon na nagbunga sa kanya ng malalang pagkailap.

"Hus, ikaw naman... para kang aanuhin nang aanuhin," kung sabihan nga siya ni Aling Connie na asawa ng biyaherong si Mang Felix. "Aba, Julian kung lilinisin mo 'yong kanal sa likod-bahay ko, wala kang ibang dadaanan kundi dito sa loob!"

Madalas nga siyang tawagin ni Aling Connie. "Julian, pakikabit mo nga ang daylight ko," o "Julian, pumutok ang fuse namin, pakitingnan mo nga." Kaya takbo siya agad sa bawat utos ni Aling Connie, taboy iyon ng abot-langit na pangangailangan niya, sa kabila ng lahat, sa tiwala ng kapwa-tao.

"O, kunin mo na 'tong limang piso, Julian... panigarilyo mo man lang."

"N-naku, hindi ho ako naninigarilyo!"

"O, e di pangmeryenda mo. Masama naman 'yong utos ako nang utos sa 'yo, wala man lang pabuya. Abuso na ang tawag do'n."

Nahihiya pa rin siya... tama na sana sa kanya yong magiliw sa kanya si Aling Connie pero mahalaga pa rin sa kanya yong limang piso Kung tutuusin. Lalo na ngayong gagradweyt siya sa hayskul, at marami pa siyang utang sa eskuwelahan. 

Minsa'y hinanap uli siya ni Aling Connie.

"Julian, tulungan mo nga ako.

"Bakit ho?"

Nakatawa si Aling Connie, "Maniwala ka, ni-lock ko ang sarili ko sa labas ng bahay. Alam mo naman 'yong pinto namin, 'pag nalimutan mong bitbitin 'yong susi paglabas mo, patay ka na. Wala pa naman dito ang Mang Felix mo."

"E pa'no ho ang gagawin ko?"

"Magbaklas ka ngjalousy sa bintana. Puwede tayong do'n magdaan.

"Ho?"

Magbaklas ng jalousy sa bintana ng may bintana, sa kalaliman ng gabi? Naku, nakatatakot! Baka mapagkamalan siyang magnanakaw! Baka barilin siyang bigla! 

Sansaglit na nag-alala pa si Julian na baka pakana lang ito ni Aling Connie, na baka gusto lang nitong ipahamak siya.

Hwag kang mag-alala, nakabantay naman ako," sabi ni Aling Connie." Hindi kita
iiwan habang tinatanggal mo 'yong jalousy.

Alanganin pa rin siya pero naisip niya: hindi naman siguro siya paplanunan nang masama ni Aling Connie. Wala naman siyang atraso dito.

Nabaklas at naibalik niya ang jalousy ay wala namang nangyaring aberya.

Oh'wag ka munang umalis," pigil ni Aling Connie nang nagpaalam na siya. "Dito ka na kumain."

"N-naku, h'wag na ho!"

"Bakit hindi? Nakaluto na ko. Ang totoo, maghahain na 'ko nang tumawag angMang Felix mo kanina para sabihing bukas na siya makauuwi. Kaya nga nasa labas ako,e, Nagpapalipas ako ng sama ng loob.

Gutom na rin siya. Isa pa, para walang masabi sa kanya si Aling Connie. Ngayong tiwala na ito sa kanya, ingat na ingat naman siyang may masabi sa kanya ito.

"Salamat naman sinaluhan mo 'ko" sabi sa kanya ni Aling Connie nang kumain na sila. "Hindi mo lang alam, napakaimportante sa 'kin yung may kasalo 'ko sa pagkain. Alam mo, madalas, naiiyak talaga "ko sa lagay ko. Magluluto ako ng espesyal tapos... tatawag sa "kin ang Mang Felix mo para sabihing bukas na siya uuwi!"

Lumaki ang pakiramdam niya. Hindi lang siya pinakikitunguhang mabuti ni Aling Connie; nagsasabi pa rin sa kanya ito ngayon ng mga nararamdaman nito!

Hindi niya maintindihan kung bakit siya pa, isang kabataang ni hindi mo naman sasabihing matalino, ang gustong kausap ni Aling Connie. Pero walang halaga sa kanya ang mga bakit. Tama na yong tinatrato siyang parang kaibigan ni Aling Connie na kadarama na siya ngayon ng importansya. Kaya nang salubungin siyang minsan ni Aling Connie sa daan para sabihing, "Halika sa bahay mamaya; wala ang Mang Felix walang pag-aatubiling nagpunta siya.

Ang seksi-seksi ni Aling Connie nang dumating siya. Nahihiya tuloy siyang tumingin sa dibdib nito. Baka sabihin pa ni Aling Connie, bastos siya. Nakatungo tuloy Siya lagi. "Bat ba hindi ka mag-angat ng mukha diyan?" sabi sa kanya. "Wala ka namang uling a! O, may tipo ka naman... hindi naman nakahihiyang ipakita 'yang mukha mo. Julian, lumapit ka nga. Ba't ba parang mailap ka sa "kin?"

Pinawisan tuloy siya nang malapot. Nagtangka tuloy siyang magpaalam na. "E, A-aling Connie..."

"Halika sa tabi ko, Julian. Sus, h'wag kang manginig! Ano ka ba, para nahawakan
ka lang!... Lalaki ka, babae ko... walang masama dito, Julian. Puwera na lang kung bakda
ka?"

"H'wag Aling Con-"

"Hahaha! H'wag kang matakot, ako ng bahala. Hmmm, yan ang gusto ko sa lalaki... yong talagang amoy-lalaki!"

Pagkatapos n'yon tinatanong niya ang Diyos: "Diyos ko, ba't ko nagawa yon?" At minsan pa, ang katwiran na ginamit niya may limang taon na ang nakaraan: Natukso lang po ako! Hindi ko po napigilan ang sarili ko!

Gusto niyang pumunta kay Mang Felix para sabihing, "natukso lang po ako; hindi ko po napigilan ang sarili ko". pero kasabay nito, takot na takot siyang malaman ni Mang Felix na may nangyari sa kanila ni Aling Connie komo natukso siya, komo hindi niya napigilan ang sarili niya.

Masasalubong niya sa daan si Mang Felix, at halos hindi siya makahakbang sa matinding pangangatog ng tuhod niya. Alam na kaya ni Mang Felix? Diyos ko, natuklasan na kaya ni Mang Felix? Tatanguan siya ng pagbati ni Mang Felix at lalo sivang manlalata, ngayo'y sa ginhawang bigay ng kaalaman na hindi pa alam ni Mang Felix.

Hinahanap daw siya ni Mang Felix at sagad-kaluluwa ang nerbiyos na aalipin sa pagkatao niya. Alam na kaya ni Mang Felix? Diyos ko, natuklasan na kaya ni Mang Felix. lyon pala, uutusan lang siya ni Mang Felix at manlalata na naman siyang pagkatuklas na so far, hindi pa nito alam.

Pero minsan, naisip niya: mabuti pa ngang malaman nani Mang Felix. Kaysa naman kakaba-kaba siya lagi! Mabuti pang malaman na ni Mang Felix para maparusahan na siya kung parurusahan siya. Para matapos na'ng pag-aalala niya.

Bahagya na niyang nailagan ang taganginunday sa kanya ni Mang Felix. Matalim ang murang lumabas sa bibig nito, malagim ang tili ng nagimbal na ina niya, mabilis ang pagkakagulong namayani sa palibot, at nangibabaw sa isip niya ang isa't matingkad na utos ng sarili: Takbo, Julian, papatayin ka! Takbo!

"Papatayin kita! Papatayin kita, ahas!"

Wala nang pagkakataon para sabihin niya kay Mang Felix na, patawarin n'yo poako. Hindi ko lang po napigilan ang sarili ko.

Nagtago nang mahigpit si Julian pagkatapos ng pangyayaring yon. Kahit nang mabalitaan niya na hindi na naman daw siya hinahunting ni Mang Felix, patuloy siya samahigpit na pagtatago. Magising-makatulog si Julian, balisa siya. Hindi siya matahimik sa pag-aalala na maagapan siya ni Mang Felix.

Hindi na rin siya matahimik sa katiyakan na galit na galit ngayon sa kanya ang tatay niya.

Pero hindi rin siya matahimik sa kaalaman na nag-aalala ang nanay niya kung nasa'n siya ngayon.

Naisip ni Julian: maski istrikto ang tatay niya, iba pa rin 'yong may bahay ka maski pa'no; 'yong hindi ka kompletong nag-iisa sa buhay. Sa huling suma, hindi katumbas ng maikling sarap sa piling ni Aling Connie ang parusa ng sariling dinaranas niya ngayon. Tulad ding hindi halagang sampung piso lang ang gulpi't kahihiyang inabot niya no'ng magkamali siya bilang bata, naisip ni Julian.

Hindi na 'ko uulit, pangako ni Julian sa sarili. Magpapakabait na ko. Pinasok niya ang lahat ng trabaho para kumain. Nagtulak siya ng kariton sa palengke, naglinis ng bus terminal, nagtawag ng pasahero ng biyaheng Sangandaan, nag-ahit ng mga patay na baboy sa matadero... umuwi siya para humingi ng tawad sa tatay niya.

"Tungkol po do'n sa nangyari no'n Tay..

Maagap na ipinalis ng tatay niya sa hangin ang butuhang kamay. "Hwag mo nang banggitin pa sa pagbibigay-katwiran sa kalokohan mo. Maliit ka pa man, hindi ka mapagkakatiwalaan."

"Oo, malaki ka na ngayon... hindi na kita mapapalo." Malungkot na dugtong pa ng tatay niya. "Pero sana, h'wag mo naman akong masyadong nakawan ng dangal. Ayokong sa bandang huli'y manghinayang ako na naging anak kita."

Umalsa ang paghihimagsik sa loob niya. Nag-angat siyang bigla ng mukha para sumagot. Pero pagtama ng mata niya sa mukha ng ama, nakita niya ang kasinungalingan sa mga salita nito.

Kelangan siyang umalis, bakit tumanda na ng ganito ang tatay niya? Na para bang
nag-aalala rin sa kanya 'to maski pa'no. Sa likos ng matalim na dila nito't malupit na kamay, naisip ni Julian, mahal din siya ng matanda.

Nakaramdam ng awa si Julian sa tatay niya. Mahirap ding maging ama, naisip niya.

Si Julian, pagkaraan ng matagal din namang pangangapa at pagpupursige, ay nagdesisyon nang maging waiter. Hindi naman kababaang trabaho ang waiter, bukod pa sa malaki daw ang kita. Aba, masama pa ba yong makatip ka ng piso-dalawang piso bawat mesa? Sus, lalo na kung sa bigating hotel ka mapapasok!

Paghahanda sa opisyong nasabi, pumaloob sa isang puspusang seminar si Julian sa pagtataguyod ng isang employment agency, kung saan itinuro sa kanya at mga kaklase ang ilang mga importanteng bagay sa pagseserbisyo, tulad ng kagandahang asal at makasining na pagdadala ng mga pinggan. Nang makapasa kabilang siya sa mga agad kinuha ng ahensiya ng trabaho.

Siyempre baguhan, temporary waiter lang muna ang ranggo niya. Okey na rin dahil kita n'yo, sa primera klaseng hotel-restoran naman siya napunta. Wala silang malinaw na usapan sa suweldo, hindi rin niya alam kung ilang porsiyento ng kita niya ang "tatagain ng ahensiya, pero wala naman siyang reklamo sa tip. Isa pa, paniwala n'ya no'ng bagong salta pa lang siya, Okey naman ang tsibog. T'yak na lalaki ang katawan ko, 'Nay, sa nagkalat na pagkain sa kusina.

Hindi niya akalain, patakaran pala sa restorang yon ang bring your own baon!

"Ho? Ibig n'yong sabihin hindi libre pagkain, Ma'am?"

Tumaas ang isang kilay ng istriktong si Ma' am. "Are you crazy? Hindi basta restoran to, Binata. At sa dami n'yong waiter dito, sa pagkain n'yo pa lang e baka hindi na maka-break even ang management!

Oo nga naman. Tuusin mo naman kung bawat waiter e kakain ng fried chicken na nagkakahalaga ng sitenta'y singko pesos!

Binulungan si Julian ng isang datihan na: "Makakakain ka rin ng pagkain dito, h'wag
kang mag-alala."

Kaagad din namang natuklasan niya ang ibig sabihin ng datihan, pagkaraang magsilbi sila sa isang luncheon meeting at ibalik nila sa kusina ang mga bandeha ng sobrang pagkain.

Ayan, Sabi ng datihan, "Bayad na 'yan. Puwede na nating ka'nin 'yan."

Pagkaraan ng unang pagkasaling ng amor propiyo, naisip ni Julian na sila-sila na lang naman ang magkakaalaman ng kalagayan nila, ng pagkababa nila sa katayuan ng aso, at hindi na sila dapat pang mahiya. Wala nang tagalabas pang makakaalam na tagakain lang sila ng tira.

Pero takpan muna ang pagkain, hindi pa oras ng ligaya. Baka mahuli ka ni Ma'am na ngumunguya, tatalsik ka sa trabaho. Alas dos pa ang break ng mga waiter, pag busog na ang lahat at mangisa-ngisa na lang ang nakikita mong kostomer.

Kung gano'n, lalong hindi wise na isnabin pa niya ang tira ng mga nagdaang parokyano dahil sa oras na yon, panis na ang lahat ng baon nila sa plastik!

"Kain na, Julian. Malinis naman 'yan, sinerving spoon 'yan."

"Saka ano ba'ng ipagseselan mo pa? Mahal dito, mga turista't mga big shot ang kumakain dito. Samakatwid, puro makuwarta. Wala naman siguro sa kanilang may sakit. Kahit bad breath, wala naman siguro!"

"Kain na, Julian. Kahit tira lang 'yan, iba pa rin yan sa talong at bag'ong na baon mo!"

Nang maglipat-buwan ay nauunawaan din ni Julian ang patakaran ng management sa pagpapasuweldo ng mga waiter (nagtanong-tanong siya bunga ng pagtataka niya na mas mababa pa ang suweldo niya ngayon kaysa no'ng nakaraang kinsenas).

Lumalagay na meron palang takdang badyet ang hotel-restorang yon na pansuweldo sa mga waiter, wala lang nakaaalam kung ilang libo sambuwan... Isang takdang badyet na siyang pinaparte sa bilang ng mga tagasilbi. Kung nagkataon na maraming natawag na extra waiter dahil natambakan sila ng kostomer, o nag-cater ang restoran at maraming party waiters na sinusuwelduhan ng per ora, hindi kataka-taka na lumiit ang parte ng mga temporary waiters na tulad niya, mga waiter na walang takdang suweldo. Tumaas- bumaba ang bilang ng tagapagsilbiy hindi nagbabago ang badyet na pansuweldo ng management.

Nagtataka lang si Julian, di ba sa marangal na usapan, kung maraming kasayahan ang binalikat ng hotel-restorang pinapasukan niya, dumami man ang babayarang tagapagsilbi'y mas marami pa rin ang papanhik na tubo sa kaha? lbig sabihin, sa bawat manok na lang halimbawa, na pinuhunan ng kinse pesos at ipinagbili ng sitenta'y singko pesos, tyak lang na mas malaki ang tubo sa sanlibong manok kaysa sandaang manok lang. Bakit sa tuos ng management ay mahihirapan ang cash register kung magdadagdag sa badyet na pansuweldo?

"Wala kang pakialam sa patakaran ng management, Julian. Magtanong ka kung gusto mo, para mawalan ka ng trabaho!"

"Julian, kasi, kawikaan nila: tutal, malaki naman daw ang natitip ng mga O e ba't yung regular, di ba malaki rin ang natitip?"

"Wala kang magagawa. Mga regular 'yon, malinaw ang usapan nila sa suweldo."

"Tsk, tsk, sarap ng maging regular, ano?"

"Engot ka pala. Bakit ninang mo ba si Ma'am? Baka kala mo, gano'n gano' lang ang maging regular!"

"Ba't hindi? Matatapos na ang probation ko, a!"

"Yon ang akala mo! Ang sabihin mo, ngayon ka nga dapat mag-ingat nang husto. Oras na nabutasan ka talsik ka!"

"Ano? Bakit, wala naman akong ginagawang masama, a!

"Kahit wala! Mahirap ka bang umintindi? Dito, nililimit ang bilang ng regular. Ba't kamo? Dahil lahat 'yan, obligadong bigyan ng benefits! "Yon ang ayaw na ayaw nila, yong magbigay sila ng benefits!"

"W-wala akong ginagawang masama!

"H'wag kang kasiguro, Julian. Madali nang sabihin na may ginawa kang masama!

"Ma'am?"

"You heard me, Julian. Pasensiya ka. violator ka, e. Sinabi ko na sen'yo, ayokong makakita ng ngumunguya pag di pa oras ng pagkain!"

H'wag naman po, dasal ni Julian. Diyos ko, hwag naman po. Pag nalaman 'to ni Itay, hindi siya maniniwalang wala akong ginagawang kasalanan! 

"Ang ayoko sa lahat, 'yong mga taong hindi mapagkakatiwalaan! malupit na sabi pa ni Ma am at naramdaman niya ang latay ng mga salitang 'yon. "Hala, pirmahan mo tong termination paper mo!"

Termination paper?

"Ma'am," natataranta, napaaawang nasabi ni Julian, "Patawarin n'yo na po ako. Kasi po, gutom na gutom na ko... h-hindi ko na po napigilan ang sarili ko!"

May alingawngaw sa pandinig ni Julian ang mga salita niya. Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Gastadong-gastado na sa kanya ang mga salitang 'yon. At siya mismo, muntik na siyang matawa.

Pero ba't gano'n. Puro pagkain ang hawak nilay ayaw silang paka'nin. Ang gustong mangyari ng management, hangga't hindi pa pumipitada ang alas dos, aamoy-amoy lang muna sila. Kahit naglalamunan na ang mga bituka nila sa gutom, aamuyin lang muna nila ang pagkain.

"Masyado n'yo naman kaming ginagawang kawawa", nakuhang sabihin ni Julian.

Tumaas pa ang kilay ni Ma'am. "Ano kamo, pakiulit mo nga?"

"Ma'am, mag... g-gawa na lang po ako ng resigaton letter, Ma'am."

Nang-uuyam ang ngiting tinesting ni Ma'am ang talino niya: Bakit, ano' ng kaibahan ng resignation letter sa termination paper?"

"Pag nag-aplay ako sa iba, Ma'am... ang lagay, termination paper ang ipakikita ko?"

Lalo pang nag-uyam ang ngiti ni Ma'am. "P'wes, naaapektuhan ang reputasyon ng kompanya pag nagre-resign ang kanyang empleyado!"

Reputasyon, naisip ni Julian. Ako ba, alang reputasyon?

Talaga nga yatang wala nang katungkulang moral ang tao sa kapwa tao niya, naisip niya. Panahon na nga yata ng mga kahayupan.

Naalala niya ang tatay niya at ang salita nito: "H'wag mo naman akong masyadong nakawan ng dangal"... at gusto niyang mapaiyak. Hindi lang naman ikaw ang nawawalan ng dangal, lay, mas lalo na 'ko! Pag naaalala 'kong kumakain ako ng tira ng mayayaman, nasusuklam ako sa sarili ko. Naiisip ko: Mahirap nga tayo mula't sapul, pero minsan man, hindi n'yo ko pinakain ng tira!

"Mahalaga ang oras ko, Julian. Pipirmahan mo ba yan o hindi? Kung ayaw mo, bahala ka. Pero hangga't hindi mo pinipirmahan 'yan, wala kang makukuhang suweldo maski pa'no."

Nagdilim ang isip ni Julian. Ang gulat ni Ma'am nang bigla niyang hablutin ang mataas na kuwelyo nito, hinatak niya ito patayo, dumiin ang mga daliri niya sa leeg nito pumipilipit, habang tumitindi ang pagngangalit ng mga masel sa braso niya, ng mga ugat sa sariling leeg niya, kasabay ng pagtatangka ni Ma'am na makasigaw sa kabila ng disididong pagpiga niya hanggang huling hininga nito, sa pagkakatitig niya sa hilakbot ng pagkakanganga nito, parang narinig din niya ang hilakbot na tili ng kanyang ina.

Sa hukuman, isa lang katwirang ang sinabi ni Julian sa kasong na inihain pagpatay sa kanya, mahigpit kasama ng na pag-iwas sa nanunumbat na mga ng tatay niya: Hindi ko po napigilan mata ang aking sarili!



Copyright © 2020
All Rights Reserved

Comments

Popular Posts

Disclaimer

The information contained in this website is for general information purposes only. The information is provided by “Poetika at Literatura” and while we endeavour to keep the information up to date and correct, we make no representations or warranties of any kind, express or implied, about the completeness, accuracy, reliability, suitability or availability with respect to the website or the information, products, services, or related graphics contained on the website for any purpose. Any reliance you place on such information is therefore strictly at your own risk.

In no event will we be liable for any loss or damage including without limitation, indirect or consequential loss or damage, or any loss or damage whatsoever arising from loss of data or profits arising out of, or in connection with, the use of this website.

Through this website you are able to link to other websites which are not under the control of “Poetika at Literatura”. We have no control over the nature, content and availability of those sites. The inclusion of any links does not necessarily imply a recommendation or endorse the views expressed within them.

Every effort is made to keep the website up and running smoothly. However, “Poetika at Literatura” takes no responsibility for, and will not be liable for, the website being temporarily unavailable due to technical issues beyond our control.


J.M. Benavidez Estoque "Poetika at Literatura"
All Rights Reserved
Copyright © 2009 - 2021