Ang Musika ng mga Tunog

 ni: Emilia Y. Basco



Ang musika ay wika ng mga tunog. Ang unang katanungan, ang masasaisip ng tao saan nagmula o ano ang pinagbatayan ng pagkakaroon ng wika ng mga tunog? Paanong ang tunog na ito ay naging musika sa atin ngayons Magbalik tayo sa kasaysayan ni Adan sa Paraiso nang likhain siya ng Diyos. Sa kanyang pag-iisa ang mga ingay o tinig na kanyang narinig ay naging tunog ng wika. Dahil sa pagkakaroon ng tunog, ang wika may ritmong tono ang siyang naging musika kay Adan. Ang kaalaman ni Adan a musika ay lumawak sa mga bagay, mula sa nuni at awit ng mga ibon, boses ng mga hayop, indayog ng mga sanga, at pagaspas ng dahon ng mga kahoy. Ang mga huni ng maliliit na kulisap at iba pang hayop sa lupa ay nakalikha ng musika lalo na pagsapit ng gabi. Ang pagsasabay-sabay ng mga tinig ng mga ito, o, maging ang tinig nila ay nahina, o malambing ay nakalilikha ng simponik aksent na siyang pandaigdig. Pagkalipas ng panahon, ang mga tao ng kalikasan (World Natural Orchestra). Pag malakas, ma sa kagubatan ay nakalikha rin ng sinaunang tambol (primetive drums). Dito nagmula pagkakaroon ng magaspang na pagsasayaw ang mga lalaki't babae. Nahikayat silang umindak sa tunog ng gong at tambol.

Ang musika ay di nalikha para sa tao lamang, mababang uri man ng hayop ay tumutugon din sa diwang musika. Halimbawa, ang mga ahas na alaga sa India at Arabia ay nagtatayo ng ulo kapag nakarinig ng tunog ng pluta ng fakiir (isang pulubing panrelihiyon na may bandolina). Sa Heolcah, Florida, U.S.A., sa isang pagatasan, ang mga baka sa pook-gatasan habang nakakabit ang mga instrumento o gadget sa mga suso nito ay may radyong nagbibigay ng musika. Ayon sa manedyer ng pagatasan, ang mga ito'y nakatutulong sa pagkuha ng maraming-gatas. Ayon sa manedyer ng pagatasan, ang mga ito'y edukadong baka.

Ang sangkatauhan ay tumanda, dumunong, at lalong nagkaroon ng kamalayan sa musika. Ang mga di-linang na musika at mga sayaw ng mga nakaraang panahon ay pinag-ukulan ngayon ng panahon at nilagyan ng mga pagbabago at bagong interpretasyon. Sa Pilipinas, halimbawa, ang sayaw at musika ng mga Muslim ay nabigyan ng makabagong interpretasyon. Nakilala ang kanilang mga tugtugin at sayaw sa buong bansa at sa ibang bansa man sa pamamagitan ng Tropa Bayanihan (Bayanihan Troupe).

Ang musikang Magindanaw ay kilalang musikang Asyano. May impluwensiya o may kaugnayan ito sa musika ng Malaya, Hindu, at Muslim. Nagbago rin ng tanghalan ang mga katutubong sayaw mula sa bahay ng mga datu tungo sa tiyak na pook na tanghalan. Dati'y itinatanghal lamang kung may pagdiriwang ang mga Muslim, kung may mga panauhin ang datu, o kung may kasalan. Sa ngayon, ang bagong ensembol ay ginagawang pampalipas ng oras o pang-aliw.

Ayon sa isang kritikong si Gerald Frank, isang Amerikano, "magpahayag ka ukol sa musika at ikaw ay magsasabi ng ukol sa walang hanggang hiwaga, ang hiwaga ng mga tunog". Na ang tao ay nakalikha ng iba't ibang instrumento upang ipahayag ang tunog ng wika mula sa tambol, kuwerdas, at sa ngayon ay naging radyopono, esteryo, teyp rekorder, plaka, at telebisyon, ay di naging kataka-taka o kahanga-hanga. Lahat ito'y natuklasan para sa musika.

Isa pang pagpapatunay ng lakas o bisa ng musika ay noong mga panahong si Nero ng Roma ay nag-aaliw samantalang nasusunog ang Roma. Sinasabi ring napababa ni Sta. Cecilia ang mga anghel sa kanyang pagtugtog. Ang pusong may suliranin ay napagagaan ng musika. Kung ang isa'y nakikinig ng musika, mapapansin bumibilis ang tibok ng kanyang puso at isang daliri'y napapakumpas, samantalang ang isipan nama'y nakikipag-unahan sa daloy ng musika. Isang halimbawa pa ng bisa ng musika ay ang paghiling ng isang bilanggong papatayin sa kinabukasan ng musika sa halip na pagkain. Noong ika-17 dantaon, si Amer Farouzi, hari ng Persia ay hindi na mapagaling ng kanilang mga manggagamot, sa biyulin ng isang pulubi'y himalang gumaling, naging mabisang gamot ang wika ng mga tunog.

Makapangyarihan ang musika hindi lamang sa indibidwal kundi sa mga gawain at pagdiriwang. Masasabing masira man ang mga bagay sa daigdig o magunaw man yata ang mundo hindi mawawala sa puso ng mga tao ang musika. Ayon sa isang dalubhasa sa musika, ang musika'y isang sining na nagpapahayag ng isang bukod tanging kakayahan ng makarealistikong indibidwal o grupo.



Copyright © 2021
All Rights Reserved

Comments

Popular Posts

Disclaimer

The information contained in this website is for general information purposes only. The information is provided by “Poetika at Literatura” and while we endeavour to keep the information up to date and correct, we make no representations or warranties of any kind, express or implied, about the completeness, accuracy, reliability, suitability or availability with respect to the website or the information, products, services, or related graphics contained on the website for any purpose. Any reliance you place on such information is therefore strictly at your own risk.

In no event will we be liable for any loss or damage including without limitation, indirect or consequential loss or damage, or any loss or damage whatsoever arising from loss of data or profits arising out of, or in connection with, the use of this website.

Through this website you are able to link to other websites which are not under the control of “Poetika at Literatura”. We have no control over the nature, content and availability of those sites. The inclusion of any links does not necessarily imply a recommendation or endorse the views expressed within them.

Every effort is made to keep the website up and running smoothly. However, “Poetika at Literatura” takes no responsibility for, and will not be liable for, the website being temporarily unavailable due to technical issues beyond our control.


J.M. Benavidez Estoque "Poetika at Literatura"
All Rights Reserved
Copyright © 2009 - 2021