Ang Panday
"Village Blacksmith" (1983) painting by Nestor Redondo |
Sa dila ng apoy, kanyang pinapalambot;
Sa isang pandaya’y matyagang pinukpok
At pinagkahugis sa nasa ng loob.
Walang anu-ano’y naging kagamitan
Araro na pala ang bakal na iyan;
Ang mga bukiri’y payapang binubungkal,
Nang magtaniman na’y masayang tinamnan.
Ngunit isang araw’y nagkaroon ng gulo
At ang buong bayan ay bulkang sumubo,
Tanang mamamaya’y nagtayo ng hukbo
Pagka’t may laban nang nang aalimpuyo!
At lumang araro’y pinagbagang muli
At saka pinanday nang nagdudumali.
Naging tabak namang tila humihingi
Ng paghihiganti ng lahing sinawi;
Kaputol na bakal na kislap ma’y wala,
Ang kahalagahan ay di matangkala,
Ginawang araro, pambuhay ng madla;
Ginawang sandata, pananggol ng bansa!
Pagmasdan ang panday, na sa isang tabi,
Bakal na hindi man makapagmalaki;
Subalit sa kanyang kamay na marumi,
Nariyan ang buhay at pagsasarili!
Comments