Poetika at Literatura

"Rediscover the Sentimentality, Creativeness and Artistry of Filipino people through the Selected Compilation of Philippines' Beautiful works of Art through Writing..."





Main Article(s)/ (Mga) Pangunahing Artikulo


Ikaw at Ako

by Luziel Ann Porazo

Painting by Fernando Amorsolo


Hindi ko tanda kung kelan nagsimula
Ang pag-ibig na lumitaw nalang bigla
Iko't ng aking mundo'y sadyang nag-iba
Mas lalong sumigla nang kasama ka na.

Mahal ko, diringgin mo, itong saad ko
Sa iyo, ako'y magtitiwalang buo
Pag-ibig ang handog ng puso kong ito
Para sa nag-iisang Carlo ng buhay ko.

Ikaw ay iba sa lahat ng nakita
Ngiti mo lamang ako'y natutunaw na
Samahan pa ng halakhak mong kay sigla
Tila ako ay sumasayaw sa tuwina.

Ni hindi maisip na maging ganito
Ang ikaw at ako, ang dalawa tayo
Nag-umpisa sa hapuna't salu-salo
Sumibol, umusbong ang matamis na Oo.


Copyright © 2017
All Rights Reserved

No comments:

I. Table of Contents/ Tala ng Mga Nilalaman


A. Collection of Literatures/ Koleksyon ng mga Literatura