Merida
![]() |
Anonymous Filipino Funeral Painting |
Kapag ako'y ikukulong
Sa selda na parihabang walang pinto at bintana—
Ay huwag mong ipabaon
Ang lagot na tanikalang mga butil na 'yong luha;
Baka ako ay bumangon,
Mula sa 'king pagkahiga at yakapin kita mutya,
At sa iyo ay ibulong
Ang matamis ko na wika buhat sa 'ting pulot-gata.
Kung iiwan na ang panteon,
Iwanan rin ang gunita nang wagas ko sa 'yong sumpa;
Sunugin mo't wag itapon,
Sa likod ng ating dampa ang lahat kong mga tula,
Upang sa 'kin sumalubong
Sa lupain ng haraya at ganap ko na paglaya!
Comments