"Maalab na nga Pangarap" /*Passionate Dreams!
a painting by Fernando Amorsolo |
Ang makipagsapalaran sa kalabang matalo ay hindi...
Ang magtiis sa dalamhating hindi na kayang damhin...
Ang tumakas sa lugar na hamak lisanin ng matatapang!
Ang pagtama sa kamaliang labag sa katotohanan...
Ang pag-ibig na dalisay at tapat mula sa likod ng iyong damdamin...
Ang paghamon sa sariling tapang sa kabila ng kahinaan at kapagalan...
Ang Pag-abot sa bituwing matayog pa sa aking paningin!
Ito ang aking landasin!
... ang pag-abot sa aking tanglaw,
... pag-asa ma'y bulag,
... ang dulo ma'y hindi na matanaw!
Ang makipagsapalaran sa kung anong nararapat!
... nang walang pasubali o dili kaya'y pagpigil.
Ang paghamak sa sariling tahakin!
... ni magpahanggang impyerno kung para sa nakabubuti.
Sapagkat aking natatanto, ... na kung sa aking paglalakbay
... ay ialay ang aking puso't damdamin nang buong pagmamahal at buong katapatan!
... Tunay ngang yaring aking puso'y siyang maliligayahan at mamamayapa
sa kaniyang paghimlay sa ilalim ng aking sinilangan...
At ang daigdig ay mangangasibol sa kanyang kaunlaran!
... kahit habang ang isang nilalang... ay kinukubli' ng pagdurusa't paghihirap
... habang ang daloy ng kanyang katapangan ... ay nanatiling nagsusumiklab!
Ang paghagkan sa talang kung kamtin ay tila isang panginoorin ng kawalan!
Ito... ang aking landasin! Ang pag-abot sa aking tanglaw!
Pag-asa ma'y bulag, dulo man ay hindi matanaw...
Ang pagkitil ng sariling alab ng puso
... kung para sa pagpanaog ng karangala't mga pangarap!
Ang paghahangad sa magkaloob...
gayong kahit ang aking mga palad... ay wala nang maibibigay!
(*The author would thus claim that this literary piece is an another version/ or shall I call... an 'adaptation' to Man of La Mancha's "Impossible Dream" since this originally composed piece seems to be similar by concept with the latter. It is therefore that the author of this poem would still give respect to the rights of someone who had composed this kind of concept earlier.)
Comments
salamat sa pagbisita at sa opinion mo about honesty
thanks hope to see you again
Salamat sa pagbisita sa aking blog.
Hmm...
What should I need to do?
I may be accused of plagiarism even if I am not.
Help me... do I need to acknowledge the song?
My apologies as I did not intend to worry you when I observed that the two were similar.